Umalis muna kami para makalaya

Sa eksenang sila nanaman ang  bida,

Kung saan sila lang ang laging tama

At kami ang mukhang kawawa. J

Sana bumagal ang kamay ng orasan

Para kami dito ay magtagal.

Sa mundong kami lang ang laman,

At ang pangalan nya, aming makalimutan.

Makakuha sana kami dito ng lakas

Para makalaban naman kami ng patas.

Sa laban na kami lang ang may alam,

At sila ay pikit mata lamang.

Paano ba lumakad sa daan,

Kung sila lagi ang nasa unahan?

Gusto mong tumakbo para silay maunahan,

Pero tila ba sinasadya nilang kami ay harangan.

Kaya kami muna ay saglit na lilimot

Para pagbalik namin ikay aming mayamot,

sa mga ngiti naming minsan mo lng maabot

dahil hindi ito nararapat sa magulong mundo mo.

Pero salamat padin sa ginawa mo

Dahil dito nabuo ang isang grupo,

Na tatalo sa halimaw sa loob mo

Upang makalaya ang totoo mong pagkatao.

 

 

 

picture1

Advertisements